Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P100K, tinanggap ng kampeon sa Boac Quadricentennial Float Parade

BOAC, Marinduque (PIA) -- Itinanghal bilang kampeon ang Alliance of Marinduque Butterfly Permittees sa ipinakita nitong Bila-Bila Float sa naganap na patimpalak kasabay ng pagdiriwang ng ika-400 taong muling pagkakatatag ng bayan ng Boac.

Nakamit ng grupo ang may pinakamataas na puntos na 93.67 porsiyento kung saan tumanggap ito ng halagang P100,000 kalapik ang 'Plaque of Recognition'.

Pumangalawa naman ang Boac South District na may temang Labanan sa Paye na nakakuha 92.67 na puntos at napagkalooban ng P75,000 cash prize.

Nasa ikatlong pwesto ang Biglang Awa Miracle float nang Marinduque Electric Cooperative na nagkamit ng 90.33 na puntos at nakatanggap ng P50,000 na premyo.

Samantala, binigyan din ng consolation prizes na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa at sertipiko ng pagkilala ang mga mga kalahok mula sa Department of Public Works and Highways, Marinduque State College, Department of Environment and Natural Resources, Marinduque National High School, St. Mary’s College of Marinduque, Marinduque Tourism Association Inc., DepEd Boac North District at Marinduque Provincial Government.

Sa mensahe ni Mayor Armi DC. Carrion, sinabi nito na sa pagsasagawa ng Boac Quadricentennial Float Parade ay ipinakita ang kasaysayan, kultura, tradisyon ng Boakeno na tunay na maipagmamalaki sa buong mundo.

"Isinabuhay po natin sa pamamagitan ng magagandang float na ipinarada natin sa araw na ito ang mga bakas at tanda ng ating matatag na bayan ng Boac na hitik-hitik  sa atraksyong pangturismo, pamanang kultura at mga makasaysayang lugar at pangyayari," anang alkalde.

Ang Boac Quadricentennial Float Parade ay isa sa mga tampok na gawain sa pagdiriwang ng ika-100 taong muling pagkakatag ng nasabing munisipalidad. (RAMJR/AMKDA/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch