Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PRO-BARMM nakatanggap ng P33M halaga ng police cars

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Ang Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) ay nakatanggap kamakailan ng 11 police cars na nagkakahalaga ng P33 milyon mula sa pamahalaan ng BARMM.

Sinabi ni Ministry of the Interior and Local Government (MILG-BARMM) minister Naguib Sinarimbo na ang nasabing pamamahagi ay naglalayong mas palakasin pa ang pagpapatupad ng batas ng PRO-BARMM.

Ang pag-upgrade ng mga sasakyan ng PRO-BARMM ay bahagi ng Transitional Development Impact Fund (TDIF), isang contingent support package sa ilalim ng Office of the Chief Minister.

Layon nitong bumuo ng positibong epekto sa patuloy na pag-unlad ng BARMM sa panahon ng transition period kasama ang MILG, bilang isa sa mga ministry na nagpapatupad ng TDIF.

Matatandaang noong taong 2021 ay iturnover sa PRO-BARMM ang limang police cars, at dagdag na lima pa noong nakaraang taon, lahat ito ay pinondohan sa ilalim ng regular fund ng MILG. (With reports from Bangsamoro Government/PIA-XII) 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch