Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI Pangasinan muling nagpaalala sa pagsunod sa ‘Fair Trade’ laws

LUNGSOD NG DAGUPAN (PIA) – Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga business owners sa lalawigan ng Pangasinan na sumunod sa umiiral na fair trade laws.


Bunsod ng mas pinaigting na monitoring at inspeksyon na isinasagawa ng DTI-Pangasinan, nasa 3,063 business establishments sa lalawigan ang binisita ng DTI taong 2022 kung saan 1,799 dito ay binubuo ng mga grocery stores at supermarkets at 1,264 naman ay hardware stores, appliances at auto supply stores.


Paalala ni Natalia Dalaten, provincial director ng DTI-Pangasinan, ang mga business owners na lalabag sa fair trade law na ipinatupad ng DTI ay maaaring patawan ng parusa sa ilalim ng batas.


“Sa kabuuang bilang ng mga nabisitang business establishments, nasa 18 business owners ang nabigyan ng notice of violation at pito ang na-issuehan ng show cause orders na nagresulta sa 99.4 percent compliance rate ng business establishments sa lalawigan ng Pangasinan,” ani Dalaten.


Ani Dalatan, sa 18 non-compliant firms, tatlo ang kinasuhan sa ilalim ng Presidential Decree No. 1572 na kilala rin bilang accreditation law, isa sa ilalim ng business name law,  at isa naman ang lumabag sa price tag law; samantala, 13 business owners ang kinasuhan sa ilalim ng standards law at Republic Act 4109.


Dagdag pa ng DTI na sa mga nabanggit na paglabag, 11 negosyante ang napatawan ng parusa na  may kabuuang multa na nagkakahalaga ng P508,000. 


Pinaalalahanan ni Dalaten ang lahat ng mga mamimili na maging mas maingat at mapagmatyag sa pagbili ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng palagiang pagsusuri sa mga marka ng produkto, pagtangkilik sa mga sertipikadong produkto, at pagpapairal ng kanilang mga karapatan bilang mamimili. (JCR/EMSA/PIA Pangasinan)

About the Author

Elsha Marie Arguel

Writer

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch