PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Tatlumpung (30) mga kababaihan sa Bayan ng Brooke’s Point ang natutong gumawa ng vegetable noodles at mga kakanin matapos sumailalim ang mga ito sa skills training on food processing kamakailan.
Ang pagsasanay na ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Brooke’s Point sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program sa pangangasiwa ng Munisipal Social Welfare and Development Office at sa tulong na rin ng Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan upang matulungan ang mga kababaihan na magkaroon ng karagdagang kita.
Pagkatapos ng pagsasanay ay pinagkalooban din ang mga partisipante ng starkit kits o mga kagamitan para maipagpatuloy nila ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay at magamit nila ang mga ito sa kanilang hanapbuhay.
Hinimok naman nina Mayor Cesareo Benedito, Jr. at Vice Mayor Atty. Maryjane D. Feliciano ang mga kababaihan na gamitin at pagyamanin ang kanilang natutunan sa nasabing pagsasanay.