Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Wheelchair para sa PWDs, handog ng La Union PNP at Akay Foundation

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union (PIA) – Namigay ng 200 wheelchairs ang kapulisan ng La Union Police Provincial Office (LUPPO) kasama ang Akay Foundation para sa mga persons with disability (PWDs) dito sa lungsod nitong Martes.


Ang naturang aktibidad na naaayon sa programa ng pulisya na “Gulong ng Suerte” ay may layong mabigyan ng pangunahing serbisyo ang mga may kapansanan sa La Union. 

May kabuuang 200 persons with disability (PWDs) ang nabigyan ng bagong wheelchair mula sa La Union Police Provincial Office kasama ang Akay Foundation sa San Fernando City, La Union nitong Martes.

“Sa three years po na pamimigay ng wheelchair, national na rin ‘yong scope natin, from Luzon, Visayas, at Mindanao, nakapagbigay tayo ng almost 200 na wheelchairs. Pero ngayon, isang bagsakan lang, 200 mismo maibibigay para sa mga PWDs especially sa may problema sa paglakad, dahan dahanin natin ‘yan at tapusin natin,” ani PCol. Lambert Suerte, LUPPO provincial director (PD).


Dagdag pa niya, ang mga benepisyaryo ng programa ay magkakaroon din ng kaunting kabuhayan. 


Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa buong Akay Foundation na pinangungunahan ng dating Laguna 3rd District Representative Sol Aragones. 


“Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo dahil sa ginintuang puso ninyo na ang napili ninyong magiging recipient ng wheelchairs sa araw na ito ay probinsya ng La Union. Hindi lang La Union, mag-expand pa tayo, Ilocos Sur, Ilocos Norte, and Pangasinan,” ani Suerte.


Samantala, sa kanyang mensahe, inihayag ni Police Regional Office 1 director John Chua na ang isinagawang aktibidad ay naaayon sa "MKK=K" ng Philippine National Police (PNP) na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.

Pinagpatuloy ni La Union Police Provincial Office director PCol. Lambert Suerte ang kanyang programang "Gulong ng Suerte" na namimigay ng wheelchairs sa mga PWDs sa iba't ibang bayan ng La Union

“Sa PNP, isa ‘yong serbisyo, may malasakit ang pinupush ng ating Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ‘Yong malasakit natin, through Akay Foundation, Alagang Sol, ang instrumento niya, si PD natin. Ito ‘yong Gulong ng Suerte,” ani Chua.


Lubos naman ang pasasalamat ni Eldefonso Casem, isa sa mga naging benepisyaryo, dahil sa bagong wheelchair na kanyang natanggap. 


“Masaya po ako dahil nabigyan nila ako ng wheelchair at makakapasyal na ako kahit papano. Gagamitin ko ito kahit hindi na ako magsaklay pero mas maganda pa rin kapag mayroon akong saklay para makakapaglakad pa rin ako sa mga makitid na daan,” ani Casem. (JCR/AMB/KJCR, PIA La Union)

About the Author

Kathlene Joyce Ramones

Job Order

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch