Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

145 na mangingisda sa Sta. Maria, benepisyaryo ng Fish Catch Incentive Program

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- 145 na mangingisda sa bayan ng Santa Maria, Romblon ang nakatanggap ng P500 na cash incientive o ayuda mula lokal na pamahalaan nitong Martes, January 17.

Ayon kay Engr. Ramel L. Fabon, OIC-Municipal Agriculturist, ang mga mangingisda ay may mga rehistradong bangka sa bayan at benepisyaryo ng Fish Catch Incentive Program ng lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Engr. Fabon, ito ay isa lamang ito sa intervention program para sa mga benepisyaryo ng pagiging rehistrado sa LGU kaya inaanyayahan niya ang lahat ng mga may bangka na magparehistro sa kanila.

"Mahalaga 'yang narerehistro ang kanilang bangka dahil once registered na si fisherfolk mas madali ma trace kung sakaling may mga sakuna at sila ang unang nabibigyan ng intervention programs ng pamahalaan," ayon kay Fabon.

Base sa datus ng Municipal Agriculture Office, natapos ang taong 2022 ay may aabot sa 157 na bangka ang nairehistro sa lokal na pamahalaan.

Maliban sa mga mangingisda, sinabi ni Engr. Fabon na aabot naman sa 54 na magsasaka ang nakatanggap naman ng fertilizer vouchers mula naman sa Department of Agriculture nitong linggo. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch