Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NEA, bubuo ng task force metro para sa electrive cooperatives sa BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inanunsyo kamakailan ni Antonio Mariano Almeda, administrator ng National Electrification Administration (NEA) na bubuo ang kanilang tanggapan ng mga task force na siyang tutugon sa metering issues ng tatlong electric cooperatives sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni Almeda na ang task force metro 1 ay siyang reresolba sa problema sa metering sa Maguindanao Electric Cooperative, Inc. (MAGELCO), task force metro 2 naman ang mamamahala sa Lanao del Sur Electric Cooperative, Inc. (LASURECO), at task force metro 3 para sa Tawi-tawi Electric Cooperative, Inc. (TAWELCO).

Ibinahagi rin ni Almeda ang magandang balita tungkol sa delivery schedule ng mga electric meter na ipinangako ng Region VII at Region VIII electric cooperatives para sa MAGELCO.

Ayon sa NEA, ang MAGELCO ay tatanggap ng 27,000 electric meters mula sa Federation of Rural Electric Cooperatives sa Region VIII (FRECOR ) at Central Visayas Electric Cooperatives Association (CEVECA). Habang 20,000 electric meters naman ang ibibigay ng Central Luzon Electric Cooperatives Association (CLECA) at Batangas I at II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC I at BATELEC II) sa LASURECO.

Samantala, maliban sa pagbuo ng mga task force ay susuriin din ng NEA ang kontrata ng mga outsourced meter reader ng MAGELCO.

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch