Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bulan at Barcelona, Sorsogon, itinanghal na “Green Achiever Awardees” ng DOH

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) - Iginawad sa pamahalaan bayan ng Bulan at Barcelona sa lalawigan ng Sorsogon ang Green Achiever Award ng Department of Health-Bicol Center for Health Development sa “Salud Bicolnon” awarding ceremony na ginanap sa Legazpi City nitong ika-13 ng Enero, Biyernes.

Ang local government units (LGUs) ng Barcelona at Bulan ang dalawa sa apat na LGUs sa Bicol na nakatanggap ng prestihiyosong parangal.

Ang green achiever award ay ipinagkakaloob sa LGUs na may natatanging husay sa pagbibigay ng mga serbisyo at pangangalagang pangkalusugan sa kanilang mga nasasakupan.

Sumailalim sa pagtasa ng Department of Health ang performance ng LGUs gamit ang scorecard ng specific health indicators.

Ang LGUs na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng green marks sa scorecard ang makakatanggap ng Green Achiever Award.
Pinakamataas itong pagkilala na ibinigay ng DOH sa ilalim ng Salud Bicolnon Awards.  (PIA5/Sorsogon)

Photos via LGU Bulan fb page
Photo via LGU Barcelona fb page

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch