Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Comelec sa mga Sorsoganon: magparehistro bago ang deadline

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Patuloy na hinihikayat ng Commission on Elections ang mga botante sa lalawigang ito na magparehistro na bago matapos ang panahon ng pagpaparehistro.

Ayon kay Atty. Calixto Aquino Jr., provincial election supervisor ng Comelec ng Sorsogon, ang mga indibidwal na magiging15 taong gulang bago at pagsapit ng ika-30 ng Oktubre 2023 ay maaari nang magparehistro bilang myembro ng Katipunan ng Kabataan para makaboto sa Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Habang ang 18 taong gulang pataas bago at pagsapit ng ika-30 ng Oktubre 2023 na hindi pa nakakapagparehistro ay maari ng magparehistro  upang makaboto sa darating na Barangay at SK elections.

Sila ay maaaring magtungo sa tanggapan ng Comelec sa City Hall Compound, Cabid-an Sorsogon City upang makapagparehistro.

Hiling niya na huwag ng antayin pa ang deadline bago pumunta sa comelec office o sa mga sattelite offices nito para magparehistro.

Para sa mga gustong magparehistro kinakailangang lamang magdala ng certification document kung new registrant at birth certificate para matiyak ng election officer ang edad kung kwalipikado na sa pagpaparehistro.

Kailangan din ang valid government issued ID.

Madali lamang aniya ang proseso dahil halos  labinlimang minuto lang ang gugugulin ng isang indibidwal sa pagpaparehistro.

Binigyang linaw din ni Aquino na walang online registration para sa voter's registration dahil kinakailangan ang face to face sa biometrics.

Dagdag pa ni Aquino na ang isinasagawang voter's registration ngayon sa Sorsogon ay nagpapatuloy pa rin at magtatagal hanggang sa January 31, kasalukuyang taon. 

Inihayag din ni Aquino na ang Sorsogon City Comelec ay mayroon ding satellite voter's registration sa SM City Sorsogon tuwing Huwebes at Biyernes.

Ang Comelec municipal offices naman sa lalawigan ay may schedules din ng pagpunta sa ibat-ibang barangay upang magsagawa ng satelite voter's registration. Magbibigay ito ng pagkakataong makapag parehistro ang mga hindi makakapunta sa opisina ng Comelec dahil sa ilang mga kadahilanan.

Samantala, nilinaw din ng opisyal na pilot testing muna ang Register Anywhere Program (RAP) ng Comelec kung saan sa Bicol region ay ginawa ito sa Naga City sa Camarines Sur at Legazpi City sa Albay.

Sa ngayon, aniya, ay mahigit na sa walong libo ang mga nakapagrehistro na sa lalawigan ng Sorsogon.(PIA5/Sorsogon)


Ugnayan sa PIA Sorsogon radio program

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch