Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DICT CALABARZON, nanawagan ng suporta para sa World Summit on Information Society Prizes

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Calabarzon sa publiko upang tulungan silang mas mapadami pa ang boto sa mga entries ng kanilang ahensya na nakapasok sa WSIS o World Summit on Information Society Prizes.

Sa panayam kay Engr. Raiza Joyce Mendoza, sinabi nito na ang WSIS Pizes ay isang global contest na pinamamahalaan ng International Telecommunications Union (ITU) na nagsisilbing plataporma upang bigyang pagkilala ang mga proyekto sa iba’t-ibang bansa na may kinalamang sa pagpapaunlad o sustainable development sa tulong ng Information Communications Technology.

“Noong nakaraang taon ay may dalawang entries ang DICT na kabilang sa short list at sa taong ito ayroon ulit dalawang entry ang DICT Calabarzon na kasama sa shortlist at may pumasok din na entries mula sa iba’t-ibang rehiyon at DICT Central Office. Sa mga kategoryang ito kailangang makakalap ng maraming bilang ng boto upang makapasok sa Top 5 most voted projects at kasama sa final evaluation ay pipili ng isang winner at apat na champions na kikilalaning nanalo sa naturang paligsahan,” ani Mendoza.

Kabilang sa kategoryang nominado sa WSIS ay ang Category 2-Information and  Communications Infrastructure na may titulong "Bridging and Overcoming Network  and E-Service Challenges in Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan" kung saan tinatalakay ang “free for all” WIFI project ng DICT.

Isa pa sa nakapasok ang Category 6 -Enabling Environment na may titulong "Empowering  Lives in Prison through Information Communications Technologies" o ang pagpapalakas ng mga pasilidad na tinatawag na Tech4ED centers na inilalagay sa mga piitan upang bigyang pagkakataon ang mga inmates na makagamit ng teknolohiya at matuto gamit ang iba’t-ibang training programs at magkaroon ng pagkakataon na ihanda ang kanilang sarili sa kanilang paglaya.

Higit sa 5,000 boto ang kailangan upang makapasok sa Top 5 ang isang entry.

Ibinahagi din ni Mendoza ang paraan kung paano makakaboto sa naturang patimpalak kung saan nakalagay sa official Facebook pages ng DICT ang mga step by step procedures kaugnay nito.

Nakatakdang magsara ang botohan sa Enero 25, 2023 kung kaya’t hinikayat ng DICT ang pagboto upang makapasok ang mga entries ng DICT at mahirang na isa sa mananalo. (MDC/PIA-Batangas)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch