Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Gov. Higinio Acosta Mendoza, Sr. Day, ginunita

Gov. Higinio Acosta Mendoza, Sr. Day, ginunita

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Ginugunita ang 'Gov. Higinio Acosta Mendoza, Sr. Day' tuwing ika-24 ng Enero ng bawat taon. 

Idineklara bilang Special Working Holiday sa lungsod ng Puerto Princesa at buong lalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Republic Act 11225 na naisabatas noong 2019 upang gunitain ang buhay at legasiya ng kinikilalang bayani ng Palawan na si Dr. Higinio A. Mendoza, Sr.

Ang paggunita dito ay isinagawa sa pamamagitan ng isang seremonya at pag-aalay ng bulaklak sa rebulto nito na matatagpuan sa Mendoza Park sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Pinangasiwaan ito ng Palawan Liberation Task Force (PLTF), Palawan Tourism Council at Provincial Tourism and Promotions Development Office kung saan nakiisa rin dito si Gov. Victorino Dennis M. Socrates.

Ang pag-aalay ng bulaklak sa rebulto ni Dr. Higinio A. Mendoza, Jr. na matatagpuan sa Mendoza Park sa Lungsod ng Puerto Princesa sa pangangasiwa ng Palawan Liberation Task Force (PLTF), Palawan Tourism Council at Provincial Tourism and Promotions Development Office kaugnay ng paggunita ng Gov. Higinio Acosta Mendoza, Sr. Day. (Larawang ito at sa itaas ay mula sa PIO-Palawan)

Sa nasabing programa, pinasalamatan ni dating kagawad ng lungsod na si Matthew Mendoza na apo ni Dr. Mendoza ang lahat ng nakiisa at dumalo sa natatanging araw ng Bayani ng Palawan.

Si Dr. Higinio Acosta Mendoza, Sr. ay ipinanganak sa Lungsod ng Puerto Princesa noong July 27, 1898. Siya ay nakapagtapos ng degree in Doctor of Medicine noong 1928 sa Hahnemann Medical College sa Philadelphia, USA. Siya ay nagsilbing gobernador ng lalawigan noong taong 1931 hanggang 1937.

Noong Pebrero 19, 1942, panahon ng World War II, inorganisa niya ang Palawan Special Battalion gayundin ang pangangasiwa sa paglikas ng mamamayan.

Siya ay nahuli ng Japanese Military noong Enero 6, 1944 sa Tinitian na noo’y bahagi pa ng lungsod. Siya ay pinatay sa Canigaran, Puerto Princesa noong Enero 24, 1944. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch