Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasalubong Center sa Sorsogon, bukas na

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) - Binuksan na ang Pasalubong Center na pamamahalaan ng Castilla Food Processing Association (CFPA) sa Brgy. San Rafael, Castilla sa lalawigang ito nitong ika-18 ng Enero.

Ang CFPA Pasalubong Center ay naitatag ng CFPA sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng Coconut Farmers Industry Development Plan (CFIDP). Layunin nitong mabigyan ng oportunidad ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) at matulungan ang samahan ng mga munting namumuhunan sa mga lokal na produkto at turismo.

Ang CFPA Pasalubong Center ay may mga processed food at handcrafted products na dekalidad at abot-kaya ang presyo.

Bahagi ito ng kampanya ng DTI na "Buy Local, Go Lokal" kung saan tinatangkilik ang mga produktong gawa ng mga Pilipino.

Malaking tulong ito sa CFPA sa pagsisimula ng negosyo.

Hinihikayat naman ng DTI Sorsogon ang mga konsyumer na pumunta, mamili at suportahan ang locally made food at non-food products sa CFPA Pasalubong Center. (PIA5/Sorsogon)

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch