Tagalog translation:
SIM registration caravan sa Atok, Benguet sa Enero 26
ATOK, Benguet (PIA) -- Isasagawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications (NTC) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang SIM registration caravan sa Municipal Gymnasium ng Atok sa Sayangan, Paoay sa Enero 26, 2023.
Isa ang Atok sa 15 na lokasyon sa iba't ibang lalawigan kung saan isasagawa ang SIM registration caravan.
Ayon kay NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez, isasagawa nila ang SIM registration sa pamamagitan ng kanilang regional offices katuwang ang mga telecommunication companies at iba pang opisina ng gobyerno.
"This endeavor is aimed at maximizing SIM subscriber participation in the SIM registration process, thereby helping ensure the successful implementation of the SIM Registration Act," ani Lopez sa isang pahayag.
Paliwanag naman ni DICT Spokesperson ken Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, layunin ng government-led facilitation ng SIM registration sa mga liblib na lugar na masiguro na walang maiiwan sa implementasyon ng batas at matatapos ang rehistrasyon sa itinakdang panahon.
"We are reaching out to SIM end users in areas with limited telecommunication or internet access to assist them in registering their SIMs. The DICT's free Wi-Fi sites will serve as the hubs for SIM registration in geographically isolated and disadvantaged areas," si Lamentillo.
Ayon naman kay DICT Secretary Ivan John Uy sa Laging Handa Public Briefing (Jan. 24, 2023), marami pa ring mga walang ID na magpapatunay sana sa kanilang pagkakakilanlan kaya pagpaplanuhan nila kung isasama ang national ID system sa SIM Registration caravan.
"'Pag mag-SIM card registration kami dun sa remote areas, dadalhin na rin namin 'yung national ID system para right there, pagkarehistro nila ng national ID, mag-SIM card registration na rin sila," si Uy.
Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government ang mga kinauukulang local government units na siguruhin ang matagumpay na SIM registration.
Inaasahan naman magsi -set up ang Department of Justice ng NBI one-stop-shops upang ang mga walang government-issued ID ay maaaring makakuha ng NBI clearance na gagamitin nila sa SIM registration.
Batay sa datos ng DICT as of 11:59 PM ng Enero 22, 2023, aabot na sa mahigit 24.12 million ang mga nairehistrong SIM. (DEG-PIA CAR)