Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BARMM, namahagi ng higit P20M halaga ng agri-fishery inputs

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Namahagi kamakailan ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), ng higit P20 milyon halaga ng agri-fishery inputs at ilan pang kagamitan sa mga koopertiba ng mga magsasaka, kabilang ang mga loan at Certificates of Land Ownership Award (CLOAs).

Bilang bahagi ng ika-apat na pagdiriwang ng Bangsamoro Foundation Day, nagbigay ang MAFAR ng rice transplanter, hand tractor, rice thresher, corn sheller, hammer, inbred palay seeds, insecticide at herbicides, assorted vegetable seeds at foliar fertilizers.

Ang ministry ay namahagi rin ng kabuuang 1,509 CLOAs sa abot sa 1,474 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa mga probinsya ng Maguindanao, Basilan, Sulu and Tawi-Tawi na sumasaklaw sa 3,316 ektarya ng lupa.

Sa tulong ng Cooperative and Social Enterprise Authority (CSEA), ang MAFAR ay nakapagbigay din ng P100,000 loan sa bawat kooperatiba ng mga magsasaka sa ilalim ng Loans for Enhancement of Necessary Development Strategies (MAFARLENDS).

Dagdag pa rito, pinanguhan din ni MAFAR minister Mohammad Yacob ang pamamahagi ng freezers sa anim na mga kooepratiba, fishing gears, tilapia fingerlings at iba pang mga kagamitan sa mga mangingisda sa rehiyon.

Kaugnay nito, namahagi rin ang MAFAR ng P150,000 halaga ng tulong pinansyal sa bawat isa sa tatlumpu't walong kooperatiba ng mga magsasaka. (With reports from Bangsamoro Government).


About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch