Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DA, namahagi ng Fertilizer Discount Voucher sa mga magsasaka sa Gloria

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Isinagawa sa bayan ng Gloria ang pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) – Rice Program sa mga magsasakang Gloriano na nagsasaka sa hindi hihigit sa dalawang hektaryang lupain na ginanap sa Gloria Municipal Gymnasium kamakailan.

Umabot sa Php5.41M ang kabuuang halaga ng pondong pinamahagi kung saan nasa 1,249 na magsasakang Gloriano ang naging benepisyaryo ng nasabing programa ng kagawaran. Matutubos ang mga fertilizer discount voucher sa alinmang accredited fertilizer merchant.

Nagkaisa sa programamg ito ang DA at ang Gloria LGU na ang layunin ay mapalakas pa ang produksiyon ng palay at ang pagkakaroon ng masaganang ani. (DN/PIA-OrMin/Gloria Municipal Gazette)



Larawan sa itaas: Tatanggap ang nasa 1,249 magsasaka sa Gloria ng ayuda mula sa  Department of Agriculture – Rice Program upang mapalakas pa ang produksiyon ng palay at masaganang ani.

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch