Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Samahan ng mga magsasaka sa Libmanan, Cam Sur, dumalo sa Kadiwa national caravan

LUNGSOD NG NAGA (PIA) – Tampok ang mga produktong agrikultura ng Agripreneur Farmers & Producers Association ng Libmanan, Camarines Sur sa isinagawang Kadiwa on Wheels national caravan sa National Capital Region na nagsimula nitong Sabado, Enero 14 at natapos kahapon, Enero 17.   

Ayon kay Robert Buayaban, pangulo ng naturang asosasyon, nagsimula ang caravan mula sa DA Central Office, patungong Malacañang Park at Novaliches nitong Sabado, at sa Caloocan nitong Lunes.

Ilan sa mga produkto ay bigas, asukal, cooking oil, preskong baboy, manok, gulay at prutas.

Larawan mula sa Department of Agriculture Bicol Facebook Page

Sa ngayon, may tatlumpong retail outlets at Kadiwa on Wheels ang naitatag sa Bicol Region. May labing siyam sa Cam Sur, apat sa Camarines Norte, tatlo sa Albay, isa sa Masbate, at tatlo sa Sorsogon.

Sa report na inilabas ng Kagawaran ng Agrikultura sa Bicol, umabot sa 2,732 metrikong tonelada ng samu’t saring produkto ang naikalakal noong 2022. Ito ay kumita ng 156M , at nakatulong sa higit sa kalahating milyong Bikolano.

Sa pamamagitan ng mga Kadiwa outlets at Kadiwa on wheels, maaaring ibenta ng mga lokal na magsasaka ang kanilang mga pangunahin at agrikulturang produkto sa mas rasonableng presyo, at mas mababa sa presyo sa pampublikong pamilihan.  

Ang Kadiwa ng Pasko ay isang programang sinimulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Disyembre 2020. Ito ay isang inisyatibo ng gobyerno na makakatulong sa mga mamamayang Pilipino na makabili ng murang pagkain. (PIA5/Camarines Sur)

Sa pamamagitan ng mga Kadiwa outlets at Kadiwa on wheels, maaaring ibenta ng mga lokal na magsasaka ang kanilang mga pangunahin at agrikultura na produkto sa mas resonableng presyo, na mas mababa sa sa presyo sa pampublikong pamilihan.  Larawan mula sa DA Bicol Facebook page

About the Author

Keren Anne Bernadas

Writer

Region 5

In the service of Him who governs the whole world

Feedback / Comment

Get in touch