Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng home health service hatid ng Taguig City LGU

(Larawan mula sa Taguig City FB page)


LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inihahandog ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang "Home Health," isang programa na nagbibigay ng libreng health service sa mga pasyenteng hirap nang kumilos, at kung saan ang mga city health workers mismo ang pupunta sa kinaroroonan ng mga ito.

Kaugnay ng Home Health program ng Taguig City, narito ang listahan ng mga kwalipikadong pasyente na residente ng lungsod:

* Bedridden patients

* Stroke patients

* Diabetic patients na may hindi gumagaling na sugat

* Cancer patients na may sugat

* Mga pasyente na nangangailangan ng dextrose ayon sa doctor

* Mga pasyente na na-discharge mula sa ospital at nangangailangan ng kumpletong IV antibiotics sa bahay

* Bedridden patients na nangangailangan ng blood extraction na may abiso ng doctor

* Mga pasyenteng may NGT, IFC, at colostomy bag na kailangang palitan


Narito naman ang listahan ng mga free health services na maaari i-avail ng mga pasyente:

*Physical assessment before hospital discharge

* Care planning after hospital discharge

* Physical examination

* Care planning of wounds like pressure sores or surgical wound

* Pain management

* Disease management

* Teaching the family how to properly take care of the patient

* Intravenous or nutrition therapy

* Injections

* Proper care of medical contraptions

* Informing and orienting the family about the patient's medicine

* Monitoring of the unstable condition of the patient

* Range of motion exercises

* Customized nursing care planning

* Referral and coordination to other medical assistance needed by the patient

* IV insertion with doctor's order

* Discharged patients who need completion of IV antibiotics

* Blood extraction for bedridden patients

* Some medical supplies that will be used for the patient


Sa mga nais makinabang sa naturang serbisyong medikal, magpadala lamang ng mensahe sa  TPDH Home Health Hotline 0961-704-4701 na naglalaman ng pangalan ng pasyente, kumpletong address, contact number at health concern.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official Facebook page ng Taguig City LGU: https://web.facebook.com/taguigcity (PIA-NCR)


About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch