Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P475M halaga ng bagong mga investment, inaprubahan ng BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inanunsyo noong lunes, January 23 ng Bangsamoro Board of Investments ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BBOI-BARMM) na inaprubahan ng tanggapan ang pagpaparehistro ng tatlong bagong mga investment sa rehiyon na nagkakahalaga ng P475 milyon.

Sinabi ni BBOI-BARMM chairperson Mohamad Omar Pasigan na kabilang sa tatlong mga proyekto ang Beauty of Life Beach Resort, KS Agricultural Products Trading, at Shahada Medical and Diagnostic Clinic.

Ang Beauty of Life Beach Resort ay isang pasilidad at atraksyon na may kaugnayan sa turismo na pag-aari ng mga Pilipino at isang sole proprietorship company sa Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Sinabi ni Pasigan na ang resort ay inaasahang may kabuuang gastos na P295 milyon at mangangailangan ng higit apatnapu't apat na mga manggagawa.

Samantala, ang KS Agricultural Products Trading naman ay  pag-aari din ng mga Pilipino at isang sole proprietorship company na nakatutok sa halal poultry production at processing. Matatagpuan ito sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur na may kabuuang gastos na P149 milyon at mangangailangan ng abot sa isang daan at limampung manggagawa.

Kaugnay dito, ang Shahada Medical and Diagnostic Clinic naman ay ang kauna-unahang medical facility na nakapagrehistro sa rehiyon na mayroong kabuuang gastos na P30 milyon na pagmamay-ari din ng mga Pilipino. Ito ay matatagpuan sa Rosary Heights 13 sa lungsod ng Cotabato na inaasahang makakabuo ng dalawampung trabaho. (With reports from Bangsamoro Government).


About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch