No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LTO Manila South Licensing Office, bukas na!

LUNGSOD QUEZON (PIA) –Binuksan kahapon, 30 Enero 2023 ay binuksan ang Manila South Licensing Section ng Land Transportation Office (LTO)  na matatagpuan sa 2nd Floor, ANNEX 2 Bldg, Philpost Compound Lawton, Manila.

Dumalo sa pasinaya sina LTO Assistant Secretary Jose Arturo M. Tugade, LTO Executive Director Giovanni Z. Lopez at LTO-NCR West Regional Director Roque I. Verzosa III.

Sa mensahe ni Tugade, sinabi nito na minimithi niya na maging isang aktibo at walang korapsyon ang pag-iisyu ng lisensya ng nasabing opisina upang masiguro na tanging kwalipikadong driver lamang ang magbigyan ng lisensya, sa ganun ay matitiyak ang kaligtasan sa ating mga daan.

Dagdag naman ni Verzosa na kaisa ang kanilang tanggapan  sa adhikain ni  Tugade na makapagbigay ng malinis at mabilis na proseso sa servisyo sa taong bayan.

Bukas ang bagong tanggapan mula 8:00AM hanggang 5:00PM para sa mga sumusunod na serbisyo:

1) Application for New/Renewal of Student Permit

2) Application for Non-Professional License

3) Application for Professional License

4) Renewal of Driver’s License (Non-Professional & Professional)

5) Revision of Records for Driver’s License   (lto/pia-ncr)


About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

National Capital Region

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch