Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Oryentasyon patungkol sa problema sa CTG at seminar sa kaalamang pangseguridad, isinagawa

Oryentasyon patungkol sa problema sa CTG at seminar sa kaalamang pangseguridad, isinagawa

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isinagawa ang kauna-unahang oryentasyon patungkol sa problema sa Communist Terrorist Groups (CTGs) at seminar sa kaalamang pangseguridad nitong Enero 31, 2023 sa Victoriano J. Rodriguez Hall sa Gusaling Kapitolyo.

Ito ay naisagawa sa pagtutulungan ng Technical Education and Skills and Development Authority (TESDA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Palawan Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

Ayon kay TESDA-Palawan Provincial Director Vivian E. Abueva, layon ng aktibidad na magkaroon ng kaalaman ang mga private at public stakeholders ng TESDA patungkol sa maaaring banta ng terorismo upang masiguro ang kaligtasan sa kanilang mga pasilidad.

Sinabi rin ni Abueva, na ang kagandahan sa Palawan ay wala ng masyadong problem sa mga NPA, lalo na sa ngayon ay kasama na ng pamahalaan ang mga dating miyembro nito na nagbalik-loob at nakikipagtulungan na sa gobyerno.

Umaasa si Abueva na magkaroon talaga ng tuloy-tuloy nap ag-unad para sa mga ito upang hindi na sila muling malihis ang mga landas at bumalik sa pagrerebelde.

Hangad ng TESDA-Palawan, NICA-4B at Palawan PTF-ELCAC na magkaroon ng kaalaman ang mga private at public stakeholders ng mga ito patungkol sa maaaring banta ng terorismo upang masiguro ang kaligtasan sa kanilang mga pasilidad. (Larawan sa itaas at ibaba ay mula sa PIO-Palawan)

Malaki naman ang pasasalamat ng TESDA-Palawan sa Pamahalaang Panlalawigan sa suportang ibinibigay sa lahat ng mga aktibidad ng ahensya.

Kasabay ng aktibidad na ito ay isinagawa rin ang awarding ng Best TESDA Recognized Community Base Trainers na dinaluhan nina Peace and Order Program Director Gabriel Lopez (Ret) bilang representante ni Gov Victorino Dennis M. Socrates at Acting ARD-CID Franco Constantino ng NICA-4B. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch