Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagkawayan nanghihikayat ng mga turista para sa 9th Kaway Festival

TAGKAWAYAN, Quezon (PIA)- Hinikayat ni Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar ang mga lokal na residente sa bayan ng Tagkwayan gayundin ang mga lokal na turista sa lalawigan ng Quezon at karatig lalawigan na makiisa sa makulay na pagdiriwang ng “Kaway Festival”.

Sa idinaos na “Kapihan sa Tagkawayan” na pinamahalaan ng Philippine Information Agency-Quezon at ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office noong Pebrero 1, inihayag   Mayor  Eleazar ang mga aktibidad ng Kaway Festival 2023  mula Pebrero 1 hanggang 11, 2023.

Ang mga aktibidad ay ang mga sumusunod: Grand Rosary Rally; Agri-Tourism Trade Fair; Kaway Bazaar; Gawad Kulinarya Fest; Grand Ballroom; Hatawan ng Tagkawayan; Gabi ng Kabataan; Kaway 1st Extreme Mountainbike Adventure Challenge; Gabi ng Kalinangan; Tunighaw/Beer Plaza; Governor’s & Congressman’s Night; Ginoo at Binibining Tagkawayan; Sayawayan Street Dancing & Ritual Competition; Araw ng Magsasaka’t Mangingisda; Kaway V2 Adventour Challenge; Grand Civic Parade; Lungkasan ng mga Barangay; Feast Day of Our Lady of Lourdes.

Ayon kay Mayor Eleazar, naka-focus ang tema ng pagdiriwang  sa kultura at sining kung saan ay tampok ang street dancing competition at iba pang makukulay na  maaktibidad.

“Layunin din po ng pagdiriwang na mai-promote natin ang agrikultura sa bayang ito,” sabi pa ng alkalde

Sinabi naman ni Senior Tourism Operations Officer Anna Louella Villanueva na ang bayan ng Tagkawayan ay kilala sa pagkakaroon ng maraming tanim na dalandan kung kaya’t isa sa mga produktong nabibili dito ay ang “dalandan juice”.

“Marami po tayong mga kababayan dito sa Tagkawayan ang nagkaroon ng hanapbuhay sa paggawa ng dalandan juice,” sabi pa ni Villanueva

Isa rin sa mga programang tututukan ng bayan ng Tagkawayan ay ang pagbubukas ng mga tourist spots kagaya ng iba’t-ibang falls at iba pang tourist destination kung saan ay magkakaroon ng mga tourist guides na siyang aalalay sa mga lokal at dayuhang turista.

Samantala, inihayag din ni Mayor Eleazar na isa rin sa mga nakahanay na programa ng lokal  na pamahalaan ng bayan ng Tagkawayan ngayon  ang ay pagkakaroon ng sariling power plant na malaki ang maitutulong sa kanyang mga kababayan.

“Sa ngayon po ay tuloy-tuloy naman  ang konstruksiyon ng sanitary landfill dito sa aming bayan," sabi pa ni Eleazar. (RMO/PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch