No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DHSUD at Puerto Princesa City LGU, lumagda sa isang MOU para sa ligtas na tirahan

DHSUD at Puerto Princesa City LGU, lumagda sa isang MOU para sa ligtas na tirahan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sina Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron kamakailan.

Nakapaloob sa nasabing MOU ang layuning makapagbigay ng maayos at ligtas na tirahan para sa mga Informal Settler Families (ISF) at kasabay rin nito ang hangarin na masagip sa pinsala ng polyusyon ang karagatan ng lungsod partikular na ang Puerto Princesa Bay.

Sa pamamagitan ng MOU ay siniguro ni Sec. Acuzar na maililipat ang lahat ng mga informal settlers na naninirahan sa mga baybayin ng lungsod sa isang desente at abot-kayang halaga na pabahay sa pagtutulungan ng DHSUD at ng Puerto Princesa LGU.

Saksi sa pagpirma ng MOU sa DHSUD Central Office ang mga pangunahing opisyal mula sa nasabing Ahensiya at Puerto Princesa City LGU. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)


Larawan mula sa DHSUD facebook page

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch