Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PDEA Isabela umaasang malapit ng maging drug-free province ang Isabela

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela (PIA) - - Umaasa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) - Isabela na malapit ng maging drug-cleared province ang lalawigan sa mga susunod na mga araw.

Sa naging ulat ni PDEA Isabela Provincial Officer Romario Pagulayan sa isinagawang joint Provincial Development Council, Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council, Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Provincial Solid Waste Management Board meeting nitong nakalipas na Ika-28 ng Pebrero, sinabi nito na umaabot na sa 729 barangay sa lalawigan ang nai-deklarang drug-cleared.

Nasa 284 naman ang nananatiling drug-free o unaffected barangay.

Sa huling datos ng PDEA, umabot na sa 1,013 barangay ang nai-deklarang drug-cleared at drug-free mula sa kabuuang 1,018 barangay sa buong lalawigan.

Aniya mayroon na lamang limang barangay ang apektado pa rin ng iligal na droga, tig-isa rito ay mula sa Lungsod ng Ilagan at Cauayan at sa bayan ng Ramon habang dalawa naman sa  bayan ng San Mateo.

Umaasa si PDEA Isabela Provincial Officer Romarico Pagulayan na malapit ng mai-deklarang drug-cleared province ang lalawigan. )Larawan mula sa Isabela PIO)

Aniya tuloy-tuloy ang kanilang kampanya at pagpapatupad ng barangay drug clearing program tulad ng community-based anti-illegal drug advocacy training  at  drug-free workplace orientation hanggang sa maideklara ang limang barangay bilang drug-cleared na.

Nagpasalamat naman ito sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at ng kapulisan,mga LGU at iba pang seKtor sa lalawigan sa suporta ng mga ito upang mapuksa ang iligal na droga sa bawat sulok ng lalawigan. (MDCT/MGE/PIA Isabela)

About the Author

Merlito Edale Jr.

Writer

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch