Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BARMM, nananatiling top producer ng isda sa bansa

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Inanunsyo kamakailan ng Philippine Statistics Authoirty (PSA) na nananatili pa rin bilang top producer ng isda sa buong bansa ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

Base sa ulat ng PSA, napanatili ng BARMM ang puwesto nito bilang may pinakamataas na prodyuser ng isda sa buong bansa mula taong 2021 hanggang 2022.

Sa loob ng dalawang taon, sinabi ng PSA na ang sektor ng pangisdaan sa BARMM ay nakapag-produce ng kabuuang 1.3 milyong metriko tonelada ng isda, katumbas ng 30.4 porsiyento ng kabuuang dami ng produksyon ng pangisdaan noong 2022.

Samantala, sinabi ni Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) Minister Mohammad Yacob na ipagpapatuloy ng pamahalaan ng BARMM ang pagpapanatili ng mataas na produksyon ng isda sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahang teknikal nito sa pakikipagtulungan sa pamahalaang nasyunal at fisheries research institutes.

Iniugnay rin ni Yacob ang nasabing tagumpay sa suporta ng mga lokal na pamahalaan sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Lanao del Sur na naging mga katuwang aniya ng pamahalaan ng BARMM upang mas mapaunlad pa ang sektor ng pangisdaan sa rehiyon. (With reports from Bangsamoro Government) 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch