Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Validation para sa higit 150,000 potensiyal na benepisyaryo ng 4Ps, tuloy-tuloy sa Calabarzon

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A na makapagsagawa ng house-to-house visit at community assembly sa mahigit 150,000 households sa CALABARZON na maaaring maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon sa DSWD, pinili ang mga benepisyaryo batay sa datos ng Listahanan targeting system kung saan tinutukoy ang mahihirap na pamilya na mayroong anak na edad 18 pababa, o mayroong miyembro na nagdadalantao nang isagawa ang Listahanan assessment.

Ito ang unang hakbang ng pamahalaan para sa registration ng mga kasapi ng 4Ps, nang sa gayon ay matukoy ang kanilang mga eligibility para sa nasabing programa. Sa pamamagitan nito, masisiguro ng pamahalaan na mga kwalipikadong pamilya at handang sumunod sa mga panuntunan ng 4Ps ang mapapabilang dito.

Mula nang simulan ito noong Pebrero, mahigit 80,000 potential 4Ps household na ang sumailalim sa validation para sa Listahanan.

Sa pakikipagtulungan ng mga barangay at 4Ps City/Municipal Operations Offices, nakapaglatag ang ahensya ng schedule at mode of validation para sa mga pamilya na maaaring mapabilang sa nasabing programa. (PB/DSWD 4A)

About the Author

PIA CALABARZON

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch