Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

10 kababaihang PDL sa Maguindanao Provincial Jail, nakatanggap ng personal care kits

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Sampung kababaihang tinaguariang persons deprived of liberty (PDL) sa Maguindanao Provincial Jail ang tumanggap kamakailan ng personal care kits mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng BARMM.

Kabilang sa personal care kits ang bath soap, shampoo, sanitary napkin, kumot, at iba pang mga personal care product.

Maliban sa mga ipinamahaging personal care kits ay nagsagawa rin ng aktibidad ang MSSD na may kaugnayan sa mental health at psychosocial support na layong magbigay daan upang maibahagi ng nabanggit na mga kababaihan ang kanilang mga karanasan.

Samantala, binigyang-diin ni Minister Raissa Jajurie na ang inisyatibo ay isang mahalagang hakbang upang masiguro na ang mga Persons Deprived of Liberty, lalo na ang kababaihan, ay tinatrato ng maayos habang nagsisilbi ng kanilang sentensiya.

Ang mga nabanggit na aktibidad ay bilang pakikiisa ng pamahalaan ng BARMM sa selebrasyon ng buwan ng kababaihan na may temang ‘WE for gender equality and inclusive society’. (With reports from MSSD-BARMM). 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch