TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Nagsagawa ng consumer forum ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 2, bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Consumer Rights Day na may temang “Empowering Consumers Through Clean Energy Transitions.” Ito ay sa pangunguna ni Winston Singun, assistant regional director ng DTI - Region 2.
Ang nasabing forum ay naglalayong itaas ang kamalayan ng mga konsyumer pagdating sa kanilang karapatan, proteksiyon, at empowerment.
Ayon kay Singun, ang bawat konsyumer ay may karapatan na makaalam, pumili, mapakinggan, at maprotektahan.
Patuloy rin na nagpapatupad ang DTI ng mga programa at inisyatiba na nagbibigay kapangyarihan sa mga konsyumer at nagtataguyod ng patas na gawain sa negosyo.
Gayunpaman, sinusuportahan ng nasabing kagawaran ang programa ng pamahalaan tungo sa malinis at sustainable na pagkukunan ng enerhiya.
Sa kabilang banda, si Engineer Daryl Homer Ramos, plant manager ng SN Aboitiz Power Magat, Inc., ang nagsilbing resource speaker sa nasabing forum.