Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng marketing seminar para sa MSMEs ng San Juan City

(Photo Credit: San Juan City PIO)

LUNGSOD QUEZON (PIA) - Ikaw ba ay residente ng San Juan City na may-ari ng maliit na negosyo, at nais mong palaguin ito?  

Handog ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan sa San Juan Skills and Livelihood Training Center ang seminar na pinamagatang Marketing 101 para sa mga may-ari ng Micro, Small, and Medium Enterprises.

Bukas ito sa 25 katao na residente ng San Juan City, na nagnanais matuto ng paraan kung paano magpalakad, magpalago at magpalaki ng kanilang mga negosyo.

Ito ay gaganapin sa ika-22 ng Marso, Miyerkules, 1:00pm hanggang 5:00pm.

Para sa mga nais makilahok, magparehistro gamit ang link na ito: https://bit.ly/38AwVEV

Para naman sa karagdagang katanungan tumawag sa numerong (02)8693-9464. (PIA-NCR)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch