Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Period tracker app para sa kababaihan, inilunsad sa BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Kasabay ng selebrasyon ng buwan ng kababaihan ngayong Marso, inilunsad ng Plan International, kasama ang pamahalaan ng BARMM, United Nations Children's Fund (UNICEF), at Australian government ang kauna-unahang period tracker application sa bansa na tinawag na 'Okay sa Oky' o ang Oky Philippines Period Tracker App.

Ang nasabing application na inilunsad sa lungsod ng Cotabato sa BARMM ay binuo upang gabayan ang kababaihan, lalo na ang mga nagdadalaga sa tuwing dumarating ang kanilang buwanang regla.

“The Oky period tracker app is here to be the friend we once needed at one point; ang Oky ay nagsisilbing kaibigan para sa mga batang babaeng nalilito, nangangailangan ng kalinga, at nais maliwanagan tungkol sa kanilang period," sinabi ni Ana Maria Locsin, Country Director ng Plan International Philippines. 

Tampok sa nabanggit na application ang cartoonized na disenyong pambabae na mistulang laro kung saan binibigyan ang kababaihan ng impormasyon patungkol sa kanilang regla at reproductive health.

Kaugnay dito, tampok din sa application ang Islamic content na nabuo sa mga isinagawang konsultasyon kasama ang mga batang babae at lalaki sa BARMM. 

Malaki rin ang naging papel ng mga opisyal mula sa Office of the Chief Minister, Bangsamoro Darul-Ifta, Ministry of Basic, Higher and Technical Education, Ministry of Health, Ministry of Social Services and Development, Bangsamoro Youth Council, at Bangsamoro Information Office upang masiguro na alinsunod ang mga nilalaman nito sa turo ng relihiyong Islam.

Ang Oky Philippines Period Tracker App ay maaari nang ma-download sa pamamagitan ng Google Play Store.

Samantala, nakatakda ring ilunsad ang nasabing app sa ilan pang mga lugar sa buong bansa upang mas marami pang kabataang babae ang magkaroon ng access sa nasabing app. (PIA Cotabato City)

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch