LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Ngayong Rabies Awareness Month, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo para sa mga alagang aso at pusa.
Sa March 30, magkakaroon ng mga libreng serbisyo para kina ‘bantay’ at ‘muning.’
Ang ilan sa mga libreng sebisyo ay ang anti-rabies vaccination, microchipping, deworming of puppies at kittens, consultation, at kapon (pre-registered). Mayroon ring ilang mga surpresa para sa mga kalahok.
Ito ay gaganapin sa March 30 (Huwebes), mula 9:30 a.m. hanggang 3 p.m. sa QC Memorial Circle, People’s Hall.
Para sa iba pang update, bisitahin ang Quezon City Government Facebook page https://www.facebook.com/QCGov. (QC/PIA-NCR)