No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Serbisyo ng pamahalaan, inihatid ng PIA caravan sa mga kababaihan sa Albay

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) – Mahigit 400 benepisyaryo ang natulungan ng PIA Caravan para sa Kababaihan na pinangunahan ng Philippine Information Agency (PIA) – Albay katuwang ang Albay Communicators Network (ComNet), SM City Legazpi at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay PIA Albay Information Center Manager Sally Altea, layunin ng nasabing caravan na nasa ikalawang taon na ngayon na mailapit ang mga Programa, Impormasyon at Asistensiya (PIA) ng pamahalan sa mga komunidad lalo na sa mga kababaihan ngayong ipinagdiriwang ang Women’s month.

Bagamat target ng nasabing caravan ang pagbibigay serbisyo sa tatlong clustered barangays ng Padang, Buyoan at Bigaa, ito ay naging bukas sa mga walk-in beneficiaries mula sa ibang barangay.

Maliban pa sa mga information, education at communication services, ipinaliwanag din ni PIA Albay Information Center Manager Sally Altea ang #ExplainExplainExplain campaign at mga hakbangin upang makaiwas sa misnformation at disinformation, kabilang na ang fake news sa isinagawang PIA Caravan para sa Kababaihan.
Tampok sa Ka-Partner for Information and Awareness (PIA) session ang Usapang Pera, Investment at Negosyo kasama si Department of Trade and Industry – Albay Trade and Industry Development Analyst Jerome Barrameda at Securities and Exchange Commission - Legazpi Extension Office Director Atty. Norma Tan – Olaya.

Kasabay ng information, education at communication services ng PIA Albay ang Dismiss Disinformation session bilang bahagi ng #ExplainExplainExplain campaign na layuning matulungan ang publiko na makaiwas sa misinformation at disinformation kabilang na ang fake news.

Kabilang sa mga onsite services ang sim registration para sa Dito, Smart at Globe na pinangunahan ng National Telecommunications Commission Region 5. Tinalakay din ni NTC 5 Legal Officer Atty. Judy Bilangel ang kahalagahan ng sim registration upang masiguro ang kaligtasan ng mga mobile users lalo na laban sa mga mapanlinlang na text scams.

“Nagpapasalamat kami sa PIA Albay, bilang convenor ng activity na ito, dahil natulungan kaming mas mailapit sa mga barangay ang onsite sim registration na kasalukuyang nagpapatuloy at magtatapos sa April 26, 2023,” ayon kay Bilangel.

Bagamat prayoridad ang mga kababaihan, marami ding mga bata at kalalakihan ang nabigyang serbisyo, kabilang na ang medical services ng Legazpi City Health Office.
Kabilang ang PHILSys ID registration at tracking sa dalang serbisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) – Albay.

Humigit sa 100 na target beneficiaries mula sa tatlong clustered barangays ang nabigyan ng libreng optical at medical check-up, gamot, supplements at iba pang medical services ng Legazpi City Health Office (LCHO) sa pangunguna ni Dr. Fulbert Alec Gillego. Tinalakay rin ni LCHO nurse ang kahalagan ng healthy lifestyle ng mga kababaihan upang manatiling malakas at protektado laban sa mga sakit.

PHILSys ID registration at tracking ang dalang serbisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) – Albay. Kanila ring tampok ang PhilSys Birth Registration Project o pagbibigay ng libreng birth certificate para sa mga marginal sectors na natagalan sa pagkuha ng kanilang birth certificates.

Maliban pa sa membership at updating of records ng Social Security System (SSS), binigyang kasagutan din ni SSS Legazpi Branch Senior Analyst Nizel B. Vasquez ang mga katanongan ukol sa halaga at benepisyo ng pagiging SSS member.

Mahigit 400 na subscribers ng Smart, Dito at Globe ang nakapagrehistro sa onsite sim registration na pinangunahan ng NTC Region 5.

Violence against Women at nararapat na serbisyo at suporta ang binigyang linaw ni PCpt. Agnes D. Orencia, platoon leader ng Second Provincial Mobile Force Company ng Albay Police Provincial Office.

Tampok din ang Usapang Pera, Investment at Negosyo kasama si Department of Trade and Industry – Albay Trade and Industry Development Analyst Jerome Barrameda at Securities and Exchange Commission - Legazpi Extension Office Director Atty. Norma Tan – Olaya.

Hinikayat ni Barrameda ang mga kalahok na nais magsimula o mapaunlad ang kanilang negosyo na i-avail ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Olaya ang tamang pag-budget ng pera lalo na ng mga kababaihan gayundin ang mga paraan upang maiwasang maging biktima ng mga investment at lending scams.

MARAMING SALAMAT PIA Caravan para sa Kababaihan partners!

Ayon kay Altea, magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng PIA Albay sa iba pang partner agencies at stakeholders upang mas mailapit din sa iba pang mga barangay ang mga programa, impormasyon at asistensya (PIA) ng pamahalaan. (PIA5/Albay)


About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch