No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga opisyales ng bagong itinatag na LPDAO, nanumpa

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Nanumpa sa tungkulin ang mga opisyales ng bagong itinatag na Oriental Mindoro League of Person with Disabilities Affairs Office (PDAO) at PDAO Focal Persons na pinamunuan ni National Council on Disability Affairs (NCDA) Executive Director, Joniro F. Fradejas ang panunumpa na ginanap sa bayan ng Bongabong kamakailan.

Nahalal na pangulo ng samahan si Calapan City PDAO Benjamin Agua, Jr. at kanyang sinabi na, “Kailangan natin magkaisa para sa ating mga kababayan na may kapansanan upang maramdaman nila na andito tayo, andito ang pamahalaan na kumakalinga sa kanilang mga pangangailangan.”

Samantala, matapos ang panunumpa ay agad na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang kinatawan ng pamahalaang bayan ng Bongabong na si Municipal Councilor John Michael Malaluan na nagrepresenta kay Mayor Elegio Malaluan na nagkaloob ng lote sa NCDA para sa itatayong Disability Rehabilitation and Development Center na siyang maglilingkod, hindi lamang sa mga may kapansanan sa lalawigan kundi sa mga kasapi ng PWD ng buong rehiyon. (DN/PIA MIMAROPA)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch