Sa kabilang banda, dagdag sa benepisyong hatid ng PVAO ay ang non-pension benefit na kinabibilangan ng burial assistance na nagkakahalaga ng P20, 000, kasama ang pagkakaloob ng Philippine flag.
Mayroon ding educational assistance para sa isang anak ng mga beterano na nagkakahalaga ng P40,000 kada taon. Gayonman, nilinaw ni Viernes na tanging ang mga nag-aaral lamang sa public school ang maaring maka avail ito.
Dagdag pa rito mayroon ding hospitalization and health care benefit na maaring i-avail ang asawa at anak ng mga beterano sa pamamagitan ng reimbursement sa mga medical bills na kanilang mga nagastos.Kabilang din sa mga ipinagkakaloob ng PVAO ay ang mga ampulatory devices tulad ng wheelchair, canes, at walker.
Samantala, nagbigay paalala si Viernes na kung mag aapply para sa nasabing mga benepisyo ay mabuting miyembro na lamang ng pamilya ang magproseso nito para masigurado na matatanggap nilang buo ang benepisyong para sa kanila dahil hindi maikakaila ang mga presenya ng fixers sa panahon ngayon. (OTB/PIA Region 2/Maryjoy Javier)