Ang nasabing bilang ay binubuo ng 183,540 domestic o mga lokal na turista at 180,981 naman ang banyagang mga turista kung saan nangununa pa rin dito ang mga dayuhang mula sa bansang Amerika (11,237); sinusundan ng The Netherlands (5,824); France (5,417); Spain (4,257); Australia (4,064); Italy (3,914); Canada (3,536); Germany (3,110); United Kingdom (3,033), at Switzerland (2,630).
Sa mga munisipyo naman, ang bayan ng El Nido ang may pinakamataas na bilang ng mga turista na umaabot sa 143,144, sinusundan ito ng Coron na mayroong 38,392, at pangatlo ang San Vicente na mayroong 29,174, habang ang lungsod naman ng Puerto Princesa ay nakapagtala na ng 120,535 na turista.
Samantala, sa inilabas ng DOT na Top 10 Destinations sa MIMAROPA Region sa buwan ng Marso, anim na lugar sa Palawan ang kabilang dito. Nasa unang puwesto ang bayan ng El Nido; pangalawa ang Puerto Princesa City; ikatlo ang Coron; ikaapat ang San Vicente habang nasa ikaanim na puwesto ang Linapacan, at pang-sampu ang Brooke’s Point.