
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Puspusan na ang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa gaganaping Palarong Pambansa ngayong taon.
Ang Lungsod ng Marikina ang napili bilang host ng Palarong Pambansa sa unang pagkakataon matapos ang pandemyang dulot ng Covid-19.
Ang multi-sport event na lalahukan ng mga student-athletes mula sa 17 rehiyon ng bansa, ay opisyal na magbubukas sa Hulyo 31, 2023 sa Marikina Sports Center.
Samantala, ang paligsahan naman sa iba’t ibang sports ang magaganap Agosto 1-5, 2023. (Marikina City/PIA-NCR)