Sa panayam kay PDAO head Benjamin Agua, Jr., kanyang sinabi na “kabilang sa mga prayoridad na programa ni Mayor Malou Morillo ang pag-aaral ng sign language lalo na sa mga pribado at tanggapan ng pamahalaan dahil ilan sa mga ito ang kailangan puntahan ng mga may kapansanan para sa kanilang mga transaksiyon at hindi kaila na hindi sila nagkakaintindihan ng kanilang kliyente kung kaya binuo namin ang konseptong ito.”
Dahil dito, nakipagkaisa ang City College of Calapan na sa pamamagitan ng Bachelor of Special Needs Education (BSNEd) na siyang naatasan na magturo sa mga kalahok na maguumpisa sa senyas ng kamay sa mga letra ng alpabeto, numero at iba pang uri ng komunikasyon.
Bawat ahensiya ay may dalawang kinatawan kabilang ang kapulisan mula sa Police Regional Office (PRO-Minaropa), Calapan City Police Station (CPS) at Regional Highway Patrol Group (HPG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard Station Calapan (PCG), Philippine Ports Authority Calapan (PPA) at Land Transportation Office (LTO).