
Naging isang magandang karanasan para sa mga kawani ng BJMP sa kanilang aktwall na pagtatanim ng lettuce sa pamamaraan ng Hydroponics sa pagpapatubo ng halaman na walang ginagamit na lupa. (PIA5/ Camarines Norte/ larawan mula sa tanggapan ng BJMP)
Ang Aquaponics naman ay mga halaman na lumaki sa grow bed at ang mga isda ay inilalagay sa tangke, ang tubig mula sa tangke ng isda ay gagamitin naman na pandilig sa mga tanim.
Ang mga halaman ay sumisipsip ng mga nitrates at iba pang nutrients upang matulungan silang lumaki, nililinis at sinasala ng mga ugat ng halaman ang tubig bago ito dumaloy pabalik sa tangke ng isda.
Ayon kay Provincial Jail Administrator Jail Senior Inspector Ramon A. Rafer ng BJMP, matapos ang pagsasanayang ay maaari ng maisagawa ito sa mga district jail sa tulong ng TESDA at maipatupad ito sa mga piitan ng kasanayan sa pagtatanim.
Isinagawa sa pagsasanay ang tamang paglalagay ng tanim, pangangalaga, proseso ng pagpapatubo ng halaman, pagtransplant ganundin ang paggawa ng pataba o abono at alternatibong pagkain.
Layunin ng nasabing pagsasanay na bigyang kaalaman ang mga personel upang mas maging madali ang implementasyon nito sa mga piitan at mabigyang kasanayan rin ang mga PDL sa larangan ng agrikultura. (PIA5/Camarines Norte/ ulat mula sa tanggapan ng BJMP Camarines Norte)