No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bilang ng mahihirap sa OccMin, umabot sa 39,899

Ang Listahanan ay isa sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang malaman kung sino o anu-anong lugar ay mayroong maraming bilang ng mahihirap. Nakatutulong din ito sa paggawa ng mga programa at proyekto na naaangkop sa mga ito. (Larawan mula DSWD Mimaropa)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Umabot na sa 39,899 ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa lalawigan ng Occidental Mindoro ayon sa Third Round Household Assessment o Listahanan 3 (L3) na inilunsad kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa nabanggit na lalawigan.

Ito ay base sa 102,885 o 38.8% na kabahayan na ininspeksyon ng DSWD na maituturing na mahirap sa lalawigan ng Occidental Mindoro. 

Ang Listahanan ay isa sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang malaman kung sino o anu-anong lugar ang mayroong maraming bilang ng mahihirap.

Ayon sa DSWD, nakakatulong ang Listahanan sa paggawa ng mga programa at proyekto na nararapat at pantay-pantay para sa lahat ng mga mamamayan.

Kabilang sa may malaking bilang ng mahihirap sa probinsya ay ang mga bayan ng San Jose, Sablayan, Santa Cruz, Abra de Ilog, at Magsaysay. (JJGS/PIA Mimaropa-OrMin)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch