TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Matapos ang masusing pag-aaral at ebalwasyon ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region 2, walong farmer cooperatives mula sa ibat-ibang lalawigan sa rehiyon dos ang nabiyaan ng mga makinarya sa pagsasaka.
Pinangunahan mismo ni Undersecretary Atty. Kazel Celeste at Assistant Secretary Atty. Marjorie Ayson ang pamamahagi sa Cauayan City, Isabela.
Tatlo sa mga kooperariba ay mula sa Quirino, dalawa sa Isabela, at isa sa Cagayan.
Kabilang sa mga nasabing kooperatiba ang Garita Farmers Agriculture Cooperative, Farmers of Luna Agriculture Cooperative, Sun-rise Multi-Purpose Cooperative, Villaverde Development Cooperative, Barangay Paitan Farmers Irrigators Association Inc., San Salvador Agrarian Reform Beneficiaries Association, at San Francisco ARB Farmers Association.
Tinatayang umaabot P17.6 million ang kabuuang halaga ng mga naipamahaging farm machineries at equipment na bahagi ng programang Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities through Agrarian Reform Fund (SRACARF).
Ayon kay DAR Regional Director Primo Lara, layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang produksyon o ani at kita.
Kaugnay dito, nagbigay babala ang ahensya na hindi maaring ipagbili ang ang mga makinaryang natanggap ng mga benepisaryo.
Samantala, nabanggit rin ni Usec. Celeste na kasalukuyang isinusulong ngayon ng ahensya sa senado ang pagbura sa mga utang o bayarin sa lupa ng mga Agrarian Reform Beneficiaries kung saan maaring silang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng titulo at magamit na collateral ang kanilang lupa. (MDCT/OTB/PIA Region 2, ulat may kay MaryJoy Javier)