Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Karagdagang ‘navigational buoys,’ inilagay ng PCG sa Kalayaan Island Group

Ang paglalagay ng mga Coast Guardians ng kadagragang boya sa Kalayaan Island Group (KIG) kamakailan. (Mga larawan mula sa PCG)

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Naging matagumpay ang paglalagay kamakailan ng karagdagang ‘navigational buoys’ o boya ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Kalayaan Island Group (KIG) na sakop ng West Philippine Sea (WPS).

Kabilang sa mga nilagyan ng boya ay ang Patag Island, Balagtas Reef, Kota Island, Panata Island, at Julian Felipe Reef.

Magsisilbi itong gabay ng mga Pilipinong mangingisda at malalaking barko na naglalayag sa WPS ayon sa PCG.

Maituturing din itong ‘sovereign markers’ sa KIG na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, ayon kay PCG Maritime Safety Services Commander, CG Vice Admiral Joseph Coyme.

Dahil dito, kinilala ng PCG ang katapangan at kagalingang ipinamalas ng kanilang mga tauhan na sumabak sa paglalagay ng mga boya sa KIG. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch