Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga magreretirong pulis, binigyang parangal ng Batangas PNP

BATANGAS CITY (PIA) — Apat na magreretirong pulis ng Batangas Police Provincial Office (PPO) ang tumanggap ng “Retirement Honors” sa pormal na seremonya na isinagawa sa Camp General Miguel Malvar kamakailan. 

Pinangunahan ni PLtCol. Jezreel Calderon, BPPO Deputy Provincial Director for Administration ang  seremonyang “Salamat Kapatid”  kung saan tinanggap ng mga magreretirong pulis ang kanilang retirement order, medalya ng pagkilala, at Gallery of Chevron.

Kabilang sa mga nabigyan ng naturang retirement honors sina Lt. Fortunato Katigbak; Police Executive Master Sergeant Alan Tolentino; Police Master Sergeant Angelito Endaya at Sergeant Leopoldo San Miguel.

Nagpahayag si Lt. Katigbak ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay ng parangal sa kanilang ibinahaging serbisyo sa bayan.

“Sa loob ng 28 taon pagseserbisyo ay marami akong naging assignments at accomplishments partikular sa pagsugpo ng illegal na droga at pagdakip sa mga taong wanted sa batas. Naging inspirasyon ko ang aking pamilya na naging daan upang kilalanin kaming ‘modern family’ sa Calabarzon,” ani Katigbak.

“Bago ang anumang gawain ay inuuna ko ang paghingi ng gabay sa Panginon upang magampanan ng ayos ang aking trabaho at anumang natutunan kong aral at alintuntunin ay gagamitin ko sa susunod na kabanata ng aking buhay,” dagdag nito.

Ayon kay PCol. Pedro Soliba, binibigyang pagkilala at parangal ang mga retiradong pulis dahilan sa kanilang ipinamalas na pagseserbisyo  bilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at nagpapasalamat sila sa ipinamalas ng mga itong dedikasyon upang maipakita ang kanilang mithiin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng bansa. (BPDC)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch