Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

RDRRMC Calabarzon, nakahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Nakalatag na ang mga hakbang ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Calabarzon para sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar (#BettyPH).

Sa pagpupulong na pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) Calabarzon nitong Huwebes, inisa-isa ng RDRRMC ang mga paghahanda ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gayundin ng mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga taglay na resources at stockpiling na naka-standbay upang matiyak ang agarang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) pagdating sa relief operations.

Ayon sa ulat ng DSWD, may nakahandang 41,429 family food packs kung saan 30,000 sa mga ito ay naka pre-position na sa limang probinsiya ng rehiyon at handing ipamahagi sa mga maaapektuhan ng bagyo. Aabot naman sa P6.1 milyon ang naka-standby na pondo ng DSWD sakaling kukulangin ang mga family food packs nito.

Tinalakay din ng konseho ang paghahanda ng mga response cluster agencies gayundin ang posibleng panganib na dala ng Super Typhoon Mawar batay sa ulat na ibinahagi ng DOST-PAGASA.

Sa ngayon, nakataas sa blue alert status ang RDRRMC Calabarzo Emergency Operations Center upang patuloy na matiyak ang kahandaan at pagsubaybay sa posibleng epekto ng bagyo sa rehiyon.

Nauna nang inatasan ng OCD Calabarzon ang mga miyembro ng RDRRMC at mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng pre-disaster risk assesment upang mas lalong mapaghandaan ang bagyo. (PIAGOVPH4A)

About the Author

PIA CALABARZON

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch