No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Myembro ng NPA sa Camarines Norte, nagbalik-loob sa pamahalaan

DAET, Camarines Norte, Mayo 25 (PIA) – Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Norte ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos itong sumuko sa mga kapulisan ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS) noong Mayo 23, Martes.

Ang pagbalik-loob ng naturang rebelde ay dahil na rin sa  patuloy na pagpapatupad ng Executive Order No. 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at insurhensiya ng kapulisan ng Sta. Elena sa pamumuno ni OIC PCpt. Roberto O. Flores, Jr.

Kasama ang Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, Camarines Norte 2nd PMFC at 1st Provincial Tracker Team-Camarines Norte (PTT) ay matagumpay na nakumbinsing magbalik-loob sa gobyerno ang naturang rebelde upang talikuran ang dating buhay sa loob ng kilusan.

Ayon kay OIC PCpt. Flores, ang pagsukong ito ng teroristang NPA ay patunay lamang na ang miyembro ng makakaliwang grupo ay unti-unti ng namumulat sa kanilang mga maling paniniwala at buo na ang loob na yakapin ang pagbabago.

Ang isinagawang Press Conference sa municipal hall ng LGU Sta. Elena kaugnay sa pagbalik-loob sa pamahalaan ng isang miyembro ng NPA sa Camarines Norte. (PIA5/Camarines Norte/ larawan mula sa tanggapan ng CNPPO)

Ang pagsukong ito ay resulta ng walang tigil na operasyon ng kapulisan ng Sta. Elena at suporta ng taong bayan upang maipakita at mailatag ang mga programa at proyekto ng pamahalaan na nakahandang ipagkaloob sa kanya.

Isasailalim si Ka Carlo sa proseso upang mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) na programa ng gobyerno upang mabigyan siya ng panibagong pagkakataon na mamuhay ng tahimik at payapa kasama ng kanyang pamilya.

Sa pamamagitan nito, siya ay mabibigyan ng mga ibat-ibang tulong, kaalaman at kasanayan na magagamit sa pagbabagong buhay.

Samantala, nagkaroon naman ng Press Conference na ginanap sa Municipal Hall ng Bayan ng Sta. Elena sa pangunguna nina Mayor Bernardina E. Borja, Vice Mayor Ryan Jeffrey T. Mendoza at mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB), kapulisan at ilang Media.

Nagpaalala si CNPPO Provincial Director PCol. Antonio C. Bilon Jr. sa mga taong nais magbalik-loob sa pamahalaan na huwag mag alinlangan na sumuko sapagkat buong puso silang tatanggapin at handang tulungan ng gobyerno.

Aniya, hinihikayat pa ng kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko na at mabigyan muli ng pagkakataon na magbagong buhay.

Kinilala ang rebelde na si Ka “Carlo”, 37 taong gulang, binata at residente ng bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.

Isinuko nito ang kanyang armas na isang kalibre 45 pistol na may brand name na M1911A1 U.S ARMY ACP, isang steel magazine na may pitong bala, isang granada, limang TNT (C4) na may brand name na NITRO EM 1500, 10 blasting cap fuse at detonating cord na may habang 10 metro.

Ang naturang rebelde ay miyembro ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) na nagsasagawa ng mga operasyon sa Camarines Norte sa mga bayan ng Capalonga, South Road Barangays ng bayan ng Labo at Sta. Elena.

Itinalaga rin si Ka Carlo at nagsilbi bilang Vice Commanding Officer ng naturang grupo ng mahigit siyam na taon.

Ang pagsuko ng isang miyembro ng New People’s Army (center) sa mga kapulisan ng Sta. Elena Municipal Police Station. (PIA5/Camarines Norte/ larawan mula sa tanggapan ng CNPPO)

Hindi lamang ang mga sumuko kundi pati na rin ang kanilang pamilya upang makapagbagong buhay at makamit ang ganap na kapayapaan sa bansa.  (PIA5/Camarines Norte/ ulat mula sa tanggapan ng CNPPO)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch