No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dental service ng PIA at DSPNHS, matagumpay

TUGUEGARAO CITY - - Matagumpay na naisagawa ang ikalawang yugto ng Dental Mission ng Philippine Information Agency Region 2 at Don Severino Pagalilauan National High School Alumni Association sa Callao, Peñablanca, Cagayan.

Mahigit isang daang indibidwal ang sumangguni sa mga dental doctors na inimbitahan ng PIA para sa libreng pagbubunot at konsultasyon.

Katuwang ng ahensiya ang Dental Service Unit ng Bureau of Jail Management and Penology Region 2 sa pangunguna ni Jail Superintendent Juliet Miranda, Dental Team ng Department of Education Cagayan Division at mga nurse at pharmacist ng Philippine National Police Peñablanca.

Laking pasasalamat ni Elizabeth Abril sa libreng pagbunot sa kaniyang sirang ngipin at ng kanyang apo.

“Malaking tulong ito sa amin dahil kung pupunta ka sa isang klinika ay mangangailangan ka ng mahigit isang libo. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa programang ito,” pahayag ni Abril.

Nagpasalamat din si School Principal Ma. Teresa Lacbayan sa grupo dahil isa ito sa mithiin ng paaralan na magbigay serbisyo sa mga mamayan sa pitong barangay na pinagmumulan ng mga mag-aaral ng eskwelahan.

Una nang nagsagawa ng Medical Dental at Legal Mission ang grupo noong April 29, 2023 subalit sa dami ng mga pumila para sa dental service ay hindi nakayanan ng dental team ang mga kliyente kaya nagkaroon ito ng part 2.

Ang programa ay isinagawa upang ibalik sa mga mamamayan ang kanilang walang humpay na tulong sa paaralan sa tuwing ito ay may mga aktibidad na kailangan ang tulong ng komyunidad. (OTB/PIA Region 2)

Binubunot ni J/Supt Juliet Miranda ng BJMP Region 2 ang isang mag-aaral na Agta habang inaasistehan ito ni PIA Assistant Regional Director Oliver Baccay.

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch