No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

87 PWDs sa Batangas City, tumanggap ng tulong mula sa DSWD

BATANGAS CITY (PIA) — Nasa 87 persons with disabilities (PWDs) ang nakatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development kamakailan. 

Ang tulong na ipinamahagi ay bahagi ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Bansa program ng ahensiya.

Nagtrabaho ang mga benepisaryo ng programa sa loob ng 10 araw sa mga Child Development Center at paaralan sa kani-kanilang barangay kung saan ang ilan sa mga ito ay mayroon physical at intellectual disabilities habang ilan ay may breast cancer.

Bawat benepisaryo ay tumanggap ng halagang P4,350 sa payout na pinangasiwaan ng mga kawani ng Batangas City Social Welfare and Development Office.

Nauna na dito noong nakaraang taon ay may 300 benepisaryo ng naturang programa ang tumanggap ng parehong tulong. (BPDC)


About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch