No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SPES registration sa Pasig, bubuksan sa June 5

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling bubuksan ang online registration para Special Program for Employment of Students (SPES) para sa mga out-of-school youth (OSY) ng Lungsod Pasig sa Lunes (Hunyo 5, 2023).

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang SPES online registration ay bukas mula 1:00 p.m. hanggang 2:00 p.m. lamang.

May 200 slots ang ilalaan para sa batch ng SPES OSY at ang unang 200 applicants na makakapag-register online ay dadaan pa sa screening at evaluation. Tanging ang mga makakapasa lamang ang kokontakin ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO).

Sakaling may ilan sa mga ito ang di makakapasa sa screening, ia-assess ang mga nasa ika-201 pataas hanggang sa mabuo ang 200 slots na nakalaan para rito. Bibigyang prayoridad ang mga “first time” na aplikante ng SPES OSY.

Narito ang mga qualifications para sa SPES program:

  • Residente ng Pasig
  • Out-of-School (kasalukuyang Hindi enrolled at Hindi nag-aaral)
  • 15 to 30 years old
  • Combined net income after tax of parents, including his/her own (if applicable), does not exceed the poverty threshold o Php180,000.00 annual gross income

Samantala, narito naman ang mga requirements:

  • Birth certificate o Baptismal certificate
  • Certified true copy of previous grades
  • Barangay certificate of indigency
  • Barangay out-of-school youth certification
  • Income tax return (2022/Payslip/Certificate of employment) indicating salary (if parent/s are currently employed)

               If parent/s or guardian/s are unemployed, provide a Certificate of non-wage (kailangan lamang ipasa ang Certification of non-wager kung kabilang sa matatawagan ng PESO para sa assessment)

               Affidavit of guardianship (if supported by a guardian)

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa ilalim ng programa, required ang makukuhang SPES interns na mag-report sa Pasig City Hall ng Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., simula sa June 26, 2023 hanggang July 24, 2023. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch