No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

KALAHI-CIDSS nagsagawa ng mga proyektong pangkaunlaran sa Tukuran

TUKURAN, Zamboanga del Sur, 30 Ago (PIA) - Kamakailan lamang ay inilunsad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan - Comprehensive and Integrated Development Social Services (KALAHI-CIDSS) ang mga mahahalagang proyektong pangkaunlaran sa  bayang ito.

Ang pagkabilang sa pangunahing proyekto ng isang solar dryer at pagkokonkreto ng mga daanan sa ground breeaking ceremony ay nagpamalas ng dedikasyon ng munisipalidad para sa pagsulong ng social empowerment at socio-economic na pag-unlad.

Ang KALAHI-CIDSS ay isa sa mga programa ng pamahalaan ng Pilipinas para mapagaan ang kahirapan na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layunin nito na labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay-lakas sa mga komunidad upang maging aktibong bahagi sa kanilang sariling pag-unlad.

Sa isang makasaysayang seremonya noong Agosto 25, ipinaabot ni Ginang Maribeth T. Tamak, Chairperson ng Barangay Development Council (BDC), ang pasasalamat para sa pagpapatupad ng isang matagal nang hinihintay na pagsisikap.

“Pasalamat mi sa KALAHI-CIDSS kay masugdan na gayud ang among dugay na gipangandoy na solar dryer para sa mag-uuma sa Barangay Laperian (Nagpapasalamat kami sa KALAHI-CIDSS dahil nasimulan na ang matagal naming inaasam na solar dryer para sa mga magsasaka sa Barangay Laperian),” aniya.

Ang okasyon ay nagtakda ng opisyal na pagsimula ng proyektong solar dryer na may kasamang mini storage na may kabuuang halaga na Php 1,042,198.68.

Bukod dito, ang inisyatibo ng KALAHI-CIDSS ay pinalawak pa sa iba pang mga proyekto. Isang Barangay Health Station ang inilunsad sa Barangay Buenasuerte, samantalang ang pagkokonkreto ng daanan ay nagsimula na rin sa Barangay Lower Bayao.

Pinuri ni Mayor Macario V. Tingson ang kahalagahan ng mga inisyatibong ito. “Markahan natin ang araw na ito bilang isa pang hakbang sa pagkamit ng community empowerment sa pamamagitan ng community-driven development,” aniya ng alkalde.

Ang mga proyektong ito ay nagpapakita ng masusing pagsisikap ng Tukuran na palakasin ang kanilang mga komunidad at itaguyod ang pag-unlad sa pamamagitan ng mga proyektong pangkaunlaran na pangmatagalan. Ang nagkakaisang pagkilos ay nagpapakita ng malaking hakbang tungo sa mas malawakang local empowerment at pagpapabuti sa kalidad ng buhay. (NBE/HTB/PIA9-Zamboanga del Sur/na may mga larawan at ulat mula sa DSWD9)

About the Author

Harvy Bangayan

Information Officer

Region 9

Harvy T. Bangayan earned his Bachelor's degree in Computer Science at the Western Mindanao State University (WMSU) and is now pursuing his Master's degree in Public Administration at the same institution. A music lover, he now writes news in Zamboanga del Sur and manages the PIA Zamboanga del Sur Facebook page.

Feedback / Comment

Get in touch