No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kauna-unahang stand-alone secondary school sa BARMM, tutugon sa kakulangan ng silid-aralan sa rehiyon

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Alinsunod sa pangako ng pamahalaan ng BARMM na tugunan ang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan sa rehiyon ay binuksan kamakailan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang kauna-unahang bagong gawang Bangsamoro Stand Alone Senior High School sa Barangay Datu Balabaran, Tamontaka Mother dito sa lungsod.

Ang apat na palapag na mga gusali ay mayroong kabuuang 120 na silid-aralan na kayang mag-accommodate ng mahigit limang libong senior high school students.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni MBHTE minister Mohagher Iqbal na ang pagpapanatili ng integridad at kaayusan ng bagong bukas na paaralan ay isang kabahaging responsibilidad ng komunidad ng Bangsamoro.

Dagdag pa ni Iqbal, patuloy ang pagpapatayo ng ministry ng mga istruktura na akma sa learning environment ng mga mag-aaral at guro.

Samantala, ang nasabing proyekto ay alinsunod din sa mas pinalawak na 12-Point Priority Agenda ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na naglalayong mas mapaunlad pa ang access ng mga mag-aaral sa kalidad na edukasyon. (With reports from MBHTE-BARMM). 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch