No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga gurong sasailalim sa Zero Illiteracy Program, sumailalim sa oryentasyon

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Handa nang umarangkada ang Zero Illiteracy Program ng Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong agapayan ang mga katutubo sa mga kabundukan, at mga tagalog sa kapatagan na hindi maiwanan pagdating sa edukasyon.


Kaugnay nito, sumailalim ang 90 na mga guro mula sa iba't-ibang bayan ng lalawigan sa isang oryentasyon na pinangunahan ng Education and Employment Services Division (EESD).


Nagbigay naman ng ilang mahahalagang alituntunin si EESD Officer Antonio Magnaye Jr. sa mga guro na sasailalim sa programa. Dagdag pa nito, na ang kanilang gagampanang tungkulin na tulungang makabasa at makasulat ang mga ito ay inaasahan na makatutulong sa pag-unlad ng lalawigan.

Ipinapaliwanag ni EESD Officer Antonio Magnaye Jr. ang mga alituntunin hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga gurong sasailalim sa Zero Illiteracy Program ng Pamahalaang Panlalawigan. (Larawan mula sa Oriental Mindoro PIO)

Ang inisyatibang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Deparment of Labor and Employment (DOLE), kung saan sasailalim ang mga gurong nag-oryentasyon sa Government Internship Program ng ahensiya.


Ang mga guro na nasa ilalim ng programa ang personal na magtuturo kung paano mag-sulat at mag-basa sa mga katutubo na nasa malalayo at mga liblib na lugar sa Oriental Mindoro. (JJGS/PIA Oriental Mindoro)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch