No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Unity walk, peace covenant signing para sa ligtas na halalan, isinagawa sa Batangas City

BATANGAS CITY — Mahigit 3,000 kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lungsod ng Batangas ang lumahok sa unity walk at covenant signing na ginanap sa Batangas City Sports Complex nitong Sabado, ika-16 ng Setyembre.
 
Layon ng aktibidad na pinangunahan ng Batangas City Police Station at Commission on Elections (Comelec) na tiyakin ang pakikiisa ng mga kandidato para sa isang malinis, ligtas, payapa, at maayos na halalan.
 
Pinangunahan ni Batangas City Comelec Officer Atty. Jonathan Carungcong ang  'pledge of integrity' habang ang 'pledge of commitment for unity, peaceful and honest BSKE 2023' ay pinangunahan ni P/Col. Samson Belmonte.
 
Ang lungsod ng Batangas ang naitalang lugar na may pinakamaraming kandidato para sa BSKE 2023 sa buong lalawigan dahilan sa dami ng bilang ng barangay nito na nasa 105.
 
Itinagubilin naman ni Provincial Election Supervisor Atty. Jonalyn Sabellano ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin at patakaran para sa isang maayos, ligtas at tahimik na halalan, pag-iwas sa maagang pangangampanya at pagpapakita ng integridad sa lahat ng panahon at pagkakataon.
 
Aniya, dapat din na irespeto ang mga miyembro ng electoral board na karamihang kinabibilangan ng mga guro.
 
Nakiisa din ang Department of Education, City DILG, Batangas Police Provincial Office, Philippine Army, Provincial Comelec Office, Bureau of Fire Protection, Bureau Jail Management and Penology, mga religious denomination, at iba pang ahensya ng gobyerno sa naturang aktibidad. (Bhaby P. De Castro, PIA Batangas)
 

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch